Jul 21, 2021 @ 14:56

De Lima to seek reelection in 2022 polls; lambasts Duterte over failed promises

Jailed opposition Sen. Leila M. de Lima on Wednesday confirmed that she would seek reelection in the 2022 national elections, saying that the political persecution she has been subjected to only strengthened her resolve to fight for her advocacies.

In a statement, de Lima, who is currently locked up at the Philippine National Police Custodial Center in Camp Crame, maintained that her unjust detention only pushed her to work harder to fight against injustice and defend human rights.

At the same time, in a letter addressed to President Duterte ahead of his sixth and final State of the Nation Address (SONA) on July 26, de Lima chided Mr. Duterte for failing to fulfill all of his campaign promises, particularly on issues involving illegal drugs, corruption, the West Philippine Sea (WPS), and economy.

“Mahigit na apat na taon mo na akong ipinakulong para maitago ang iyong pagka-inutil, bukod pa sa paghihiganti mo sa akin. Mahigit na apat na taon na ipinagkait mo sa akin, sa aking pamilya, at sa labing-apat na milyon na bumoto sa akin. Mahigit na apat na taon na akin ngayong sisingilin sa pagtatapos ng iyong termino,” de Lima said.

“Marami ang nagtatanong sa akin kung sa kabila ng pagyurak na ginawa mo sa akin ay may lakas pa ako ng loob na muling tumakbo bilang Senador sa 2022.Tatakbo akong muli. Hindi ako susuko. Tuloy ang laban, ” she declared.

“Sisingilin ka namin sa anim na taon na pambabalasubas mo sa aming bansa,” she stressed.

De Lima noted that Duterte, in his much-avowed campaign to solve the drug menace in the country, only targeted small-time drug dealers and failed to go after big-time drug lords.

“Pagkatapos ng limang taon, at libo-libong mahihirap na iyong pinapatay, wala kang maipakitang resulta. Talamak pa rin ang droga. Sa katunayan, hanggang ngayon may mga nahuhuli pa rin sa iyong mismong siyudad ng Davao, kung saan dapat pagkatapos ng ilang dekada ng paghahari ng iyong pamilya ay wala nang suliranin sa droga,” she said.

“Ako na ang tanging kasalanan ay magsalita laban sa EJKs ay nakakulong, samantalang ang mga tulad ni Peter Lim na may Warrant of Arrest sa pagiging big-time drug lord ay hindi mo man lang kayang ipaharap sa korte at hustisya,” she added.

Likewise, De Lima lambasted Duterte’s failure to address corruption, saying, “Naaalala ko na sinabi mo rin na sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan wala nang korapsyon sa gobyerno. Pagkatapos ng limang taon, medyo mahaba-haba ang listahan ng korapsyon na pasimuno mismo ng mga tao na malalapit sa iyo.”

“Banggitin na lang natin ang pinakahuli: ang mahigit na anim na bilyong piso na kontrata na na-korner ng pamilya ng iyong pambansang alalay na si Senador Bong Go na ibinunyag ng dating Senador Sonny Trillanes. Ang sagot ni Go ay hindi naman raw siya nakinabang sa anim na bilyon na nakuha ng kanyang pamilya sa mga kontrata sa gobyerno.”

“Dito pa lamang sa sagot ni Go ay makikita na natin ang karakter ng mga tao na pumapaikot sa iyo at sa iyong istilo ng pamamahala, sa gobyernong Davao na ipinataw ninyo sa buong Pilipinas: isang gobyernong Mafia na walang ibang layunin kung hindi ang magkamal ng kayamanan gamit ang inyong mga posisyon sa gobyerno. Katulad ng ginawa ninyo sa Davao, ganoon din ang ginawa ninyo sa buong Pilipinas,” she added. #

Copyright © 2021 Abogado - Latest News in the Philippines